Cataning Lupang Karatig May dalawang alamat ang Barangay Cataning. Ayon sa mga matatanda, ang katagang Kataning ay may pakahulugan na malapit, katabi o karatig. Malapit ang pook na ito sa palengke at poblacion. Ang Kataning ay dating malawak na taniman ng palay, mais, tubo at mga halamang – ugat tulad ng mani, kamote at singkamas. May iba namang nagsabi na ang pangalang Kataning ay bilang pag-alala sa isang nandayuhan na may bansag na Ka-taning. Si Ka-taning o G. Estanislao Bautista ay tubong Magalang Pampanga. Napabantog siya sa pagpapalaganap ng tanimang tubo sa mga bukirin ng Balanga. Namalagi si Ka-taning sa balanga. Sa Sitio Ugong, nagpatayo siya ng tirahan sa harap ng ilog. Dito niya isinagawa ang kalakaran ng tubo para sa Bataan Sugar Central Company. Naging paburitong puntahan ng mga magsasaka at mga negosyante ng asukal ang Sitio Ugong. Taong 1941, sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Napilitang magsara ang Bataan Sugar Central Company. Bumalik sa Pampang si G. Estanislao Bautista. Ngunit dahil sa nagawa ni Ka-taning sa pook na kanyang naging tirahan, namihasa ang mga tao sa pagtukoy sa nasasabing lugar na Kataning |